News Releases

English | Tagalog

"TV Patrol Regional," Bagong digital bisaya newscast ng ABS-CBN News

November 01, 2025 AT 10:32 AM

 

Tampok ang malalaking balita mula sa iba’t ibang rehiyon

Pinalalawak ng ABS-CBN News ang digital coverage nito sa lalawigan ng Visayas sa pamamagitan ng “TV Patrol Regional,” isang 10-15 minutong news broadcast sa wikang Bisaya na mapapanood na sa ABS-CBN News’ YouTube Channel simula Nobyembre 2 (Linggo), 5:15p.m, bago mag “TV Patrol Weekend.”

Tampok sa bagong programa na pangungunahan ng Cebu-based journalist na si Annie Perez ang mga balita mula sa mga lalawigan at rehiyon, kabilang na ang mga nangungunang isyu mula sa breaking news hanggang sa mga kwentong nagbibigay-inspirasyon at sumasalamin sa puso ng mga taga-Visayas at kanilang kultura.

Bibigyang-diin ng “TV Patrol Regional” ang mga hyperlocal report o mga kuwentong may direktang epekto sa mga komunidad sa Visayas pati na rin sa iba pang rehiyon.Bawat episode ay maglalaman rin ng mga segment patungkol sa entertainment, sports, at human-interest stories na layuning makapagbigay impormasyon at inspirasyon sa publiko.

Dahil sa tagumpay ng mga regional digital content gaya ng “Kuan-on-One,” na nakapagtala ng mataas na engagement online at nagpatunay sa patuloy na pangangailangan para sa mga kuwentong lokal sa sariling wika, layunin ng programa na mas ihatid ang mga balita mula sa iba’t ibang lalawigan bilang bahagi ng patuloy na serbisyo ng ABS-CBN News para sa mga Bisayang kababayan sa loob at labas ng bansa.

Mapapanood ang “TV Patrol Regional ” simula Nobyembre 2 (linggo) 5:15p.m., sa ABS-CBN News’ Youtube Channel.

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang @abscbnpr on Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE