News Releases

English | Tagalog

Kim, Belle, James, at stars ng “What Lies Beneath” magpapasiklab sa “ASAP” ngayong Linggo

November 29, 2025 AT 09:31 AM

Mapapa-kanta at mapapa-indak ngayong Linggo (Nob. 30)  ang manonood sa “ASAP” tampok ang performances nina Kim Chiu, Belle Mariano, James Reid, at ng lead cast ng “What Lies Beneath.”

Paiinitin ng lead star ng number 1 show ng Prime Video PH na “The Alibi” na si Kim ang “ASAP” stage sa kanyang dance performance ng “Dark Side.”

Samantala, saksihan ang  pagkanta ng lead stars ng isa sa most watched series ng Netflix PH at iWant na  “What Lies Beneath na sina Janella Salvador, Sue Ramirez, Kaila Estrada, at Charlie Dizon ng “Sabay Sabay Tayo.”

Walang humpay na talento ang dala ni Belle sa kanyang solo performance kasama ang G-Force. Magpapa-ulan naman ng kilig si James sa kanyang bersyon ng “You Deserve It.”

Mamangha sa pangmalakasang collab mula kina  Regine, Angeline, Alexa Ilacad, Kai Montinola sa kanilang rendition ng “For Good” na sasabayan pa ni Homer Flores sa kanyang pagpiano.

Damhin ang makulay na Christmas medley sa opening number nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos, Regine Velasquez, Yeng Constantino, Angeline Quinto, ASAP choir, at G-Force.

Maghanda para sa pasabog na sayawan ng SexBomb Dancers sa kanilang kantang “Pikpiripikpik,” pangungunahan nina Jopay, Weng, Monic, Jovel Palomo, Danielle Ramirez-Hartman, Mia Pangyarihan, Evette Pabalan-Onayan, Shine, Eira, Mhyca Bautista, Jhoana, at Jacky Rivas kasama sina Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Jane Oineza.

Bonggang good vibes din ang dala ng solo dance performance  ni Darren. Kasunod nito ang isa pang dance showdown nina Gela Atayde, Ken San Jose, Jameson Blake, JM Ibarra, Fyang Smith, at Legit Status.

Humanda rin mapabilib sa back-to-back birthday performances ni Yeng at Angeline.Maki-birit sa duet nina Jona at Kyla

Tuloy-tuloy ang holiday feels handog na kantahan nina Ogie, Erik, Reiven Umali at JM Yosures, pati na ang espesyal na duet nina JM Dela Cerna, at Marielle Montellano. Pasabog din na performance ang dapat tutukan sa kina Martin, Jed Madela, Jason Dy, at Khimo Gumatay. Huwag rin palampasin ang inspiring act nina Gary, Darren, Inigo Pascual, at MNVRS Ignite.

Hindi rin dapat palampasin ang pag-awit nina Gary, Martin, Ogie, Erik, Regine, Angeline, Yeng, at Darren ng bagong ABS-CBN Christmas ID 2025.

Magsisilbi bilang hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle, Darren, Alexa, at Edward Barber.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, “ASAP,” 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWant, at TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE