Star Cinema, nag-uwi ng 7 award para sa “Call Me Mother” at “Love You So Bad”
Nag-uwi ng apat na karangalan ang comedy-drama movie na “Call Me Mother,” kabilang ang Best Actor para kay Vice Ganda, sa 51st Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal na ginanap noong Disyembre 27 (Sabado).
Walang hanggang pasasalamat si Vice para sa kanyang award, kung saan pinuri siya ng mga manonood para sa kanyang pagganap bilang isang queer mother sa pelikula.
“Mas ine-expect kong ‘di mananalo. Nakikita, nagugustuhan, pero hindi pinipili o pinipili pero ‘di maaari. But tonight maaari na. Salamat dahil nakita niyo po ako. It’s really 2025 and it is really possible, and it is real. Queer people can be best actors,” sabi ni Vice noong tinanggap niya ang award.
Wagi rin si Lucas Andalio bilang Best Child Performer para sa kanyang nakakaantig na pagganap bilang ang anak na pinag-aagawan ng mga karakter nina Vice at Nadine Lustre.
Nanalo din ang “Call Me Mother” bilang 3rd Best Picture at inuwi rin nito ang Gender Sensitivity award.
“Napaka-personal sa akin ng pelikulang ito. Maraming maraming salamat sa lahat ng producers namin, maraming salamat Meme Vice dahil pinagkatiwalaan mo uli ako. Nadine, maraming salamat, bahagi ka na ng pamilya namin, at sana makagawa pa tayo ng marami pelikula,” saad ng direktor na si Jun Robles Lana.
Samantala, kinilala rin ang mga bida ng “Love You So Bad” kung saan itinanghal si Bianca De Vera bilang Montesa Female Star of the Night, habang sina Will Ashley at Dustin Yu naman ang kinilala bilang Montesa Male Stars of the Night.
Ang “Call Me Mother” ay umiikot sa dalawang mapagmahal na ina – sina Twinkle (Vice), ang queer adoptive mother ni Angelo (Lucas), at Mara (Nadine), ang biological mother. Pinapakita ng kwento kung hanggang saan ang pagmamahal at ano ang kayang ibigay ng isang ina para sa kanilang anak.
Mula ito sa produksyon ng Star Cinema, The IdeaFirst Company, at Viva Films. Isama ang buong pamilya at panoorin ang “Call Me Mother” sa mga sinehan nationwide.
Para sa mga detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X, Instagram, YouTube, at TikTok. Para sa ibang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.








