News Releases

English | Tagalog

It’s Showtime hosts, pormal na kinilala sa kauna-unahang “It’s Showtime awaaard”

December 08, 2025 AT 01:17 PM

Inilunsad ng “It’s Showtime” ang kauna-unahang “It’s Showtime AWAAARD,” isang masaya at magaan na segment na nagbibigay-parangal sa pinaka-memorable at nakakatuwang on-air moments ng hosts bilang bahagi ng 16th anniversary celebration ng programa noong Sabado (Disyembre 6).

Pinangunahan nina Ryan Bang, Jackie Gonzaga, at guest host Barbie Forteza ang presentasyon, kasama ang hanay ng guest presenters na sina Angeline Quinto, Chanda Romero, Gus Abelgas, Kyline Alcantara, Negi, Iyah Mina, Petite, Ralph De Leon, Esnyr, at Klarisse De Guzman.

 

Isa sa mga unang tampok ang “HA? Hakdog Award,” na iginawad kina Anne Curtis at Jhong Hilario para sa  kanilang pagkakamali sa kanilang binabasa at sinasabi . Nakuha naman ni Vhong Navarro ang “Sablay Supremacy Award” para sa kaniyang sunod-sunod na sablay moments sa programa, habang itinanghal si Jugs Jugueta bilang winner ng “Dress in Peace Award” dahil sa kanyang kakaibang fashion choices, kabilang na ang viral niyang Fuji Apple outfit.

 

Pinarangalan din ang mga joke na kadalasang “di pumapasa” sa pamamagitan ng “Natutulog Ba, Nag-Joke Award,” na napanalunan nina Kim Chiu at Ryan Bang. Samantala, sina Ogie Alcasid at Jackie Gonzaga ang nagwagi sa “G na Gina Alajar Award” bilang pagkilala sa kanilang pagiging palaging game sa anumang hamon.

Nakuha ni Vice Ganda ang “Glow Up Award,” habang ang trio nina Vice, Vhong, at Jhong ay kinilala sa “Physical Hosting Award” para sa kanilang signature iconic hosting style. Muling umangat si Vhong Navarro nang masungkit niya ang “Words of Wisdom Award” para sa kanyang naging classic line na, “Crush is paghanga.”

 

Pinaka-emosyonal naman ang “Cry ‘Yan Cayabyab Award,” na iginawad kina Vice Ganda, Ion Perez, at Ryan Bang bilang pagkilala sa kanilang totoong ipinapakitang emosyon sa programa. Nagpasalamat si Vice sa mga manonood at muling tinawag ang madlang people bilang “safe space” ng kanilang Showtime family.

 

Ang awarding ceremony ang nagsilbing pagtatapos sa isang linggong engrandeng anniversary celebration na tampok ang sunod-sunod na themed performances mula sa MagRAPasikat, MagPOPsikat, DANCEpasikat, ROCKpasikat, at DRAGpasikat—patunay ng patuloy na dedikasyon ng “It’s Showtime” sa pagbibigay saya, talento, at koneksyon sa sambayanang Pilipino.

Patuloy na maki-saya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12 NN mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel,Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang “Showtime Online U” sa YouTube channel ng “It’s Showtime.”

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 10 PHOTOS FROM THIS ARTICLE