“AFAM Wives Club,” “Benta Nights,” “Shadow CEO,” at iba pang bagong shows, mapapanood na!
Pasabog at kaabang-abang na bagong shows at movies ang hatid ng iWant, ang Home of Filipino Feels, ngayong Disyembre, tampok ang mga kwentong kikiliti, magpapakilig, sisindak, at kukurot sa puso ng mga manonood saan man sa mundo ngayong ‘Ber months’ at holiday season.
Una nang nagpasaya sa fans at bumida sa iWant ang “BINI World Tour Stories,” tampok ang solid na samahan ng nation’s group na BINI at pasilip sa kanilang hindi malilimutang experiences mula sa matagumpay at sold-out na “BINIverse World Tour 2025.”
Kiligin at maantig naman sa “Romance Reboot,” na inilabas nitong Oktubre, nina Emilio Daez, Kaori Oinuma, at Shanaia Gomez, na bida ang kwento ng kabataang OFW na nagsasakripisyo para sa pangarap at pag-ibig sa ibang bansa.
Muli ring nagbabalik ang iconic crime series na “SOCO: Scene of the Crime Operative” na pinangungunahan ni veteran journalist Gus Abelgas na bubusisi sa ilang krimen at ibubunyag ang katotohananan sa likod ng mga karumaldumal na pangyayari.
Hindi rin pahuhuli ang pamatay na kwento ng taon na “Ghosting Part 2” nina JM Ibarra at Fyang Smith, at mga spinoff nitong “Final Ghostination” at “GirlyPop Diaries,” hatid ang nag-uumapaw na kilig at hugot sa pagmamahal at walang kamatayang pag-ibig sa isa’t isa.
Hindi rin pahuhuli ang kauna-unahang microdrama series ng iWant na “Shadow CEO” nina “Pinoy Big Brother” ex-housemates at bagong Kapamilya loveteam na sina Dylan Yturralde at Vivoree, na tampok ang kwento ng isang mayamang tagapagmana na nag-undercover upang ilantad ang iskandalo sa kanilang kumpanya.
Kasama rin sa lineup ang “The Billonaire Swap” tungkol sa isang bilyonaryo, na pinalabas na patay ng kanyang gahamang stepmother at nagbalik sa bagong mukha at katauhan, tampok sina Joshua Rivera, Daniel Reyes, Anton Rivera, Michelle Ramos-Rivera, at Lisa Ramos.
Sunod-sunod pa ang mga pasabog ng iWant tulad ng “AFAM Wives Club” nina Nathalie Hart, Keyleen Trejano, Julia Chu, at Mari Fowler, na ibibida ang buhay ng mga Pinay na may karelasyong foreigner o “AFAM,” tampok ang kanilang kwento bilang babae at ilang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay.
Kasama rin dito ang “Benta Nights,” isang six-episode stand-up comedy special, tampok ang ilang pinakamahuhusay na komedyante sa bansa, hatid ang riot, walang filter, at solid na katatawanang magpapasaya sa mga manonood ngayong holiday season.
Bibida rin ngayong ‘Ber months’ ang “Last Resort” nina Karina Bautista at Aljon Mendoza na may halong romance at mystery, at ang “Baka Doon Sa Buwan” nina Aaliyah Merciano, Kate Alejandrino, at Mimi Felicia, isang fantasy drama tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at paglalakbay ng isang batang babae para hanapin ang kanyang ama sa buwan.
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.




