News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Music All-Star acts, naglabas ng remake ng Kapamilya Christmas songs

December 16, 2025 AT 03:55 PM

Tampok ang 16 na paboritong Christmas ID na masayang ulit-ulitin ngayong Kapaskuhan

ABS-CBN MUSIC ALL-STAR ACTS, NAGLABAS NG REMAKE NG KAPAMILYA CHRISTMAS SONGS

Pinangunahan ng ABS-CBN Music All-Star acts ang Spotify playlist na “A Kapamilya Christmas” na nagtatampok sa mga bagong bersyon ng paboritong Christmas IDs mula sa ABS-CBN. 

Kabilang dito ang Christmas songs na inilabas ng ABS-CBN mula taong 2009 hanggang 2024, na naging bahagi na ng pagdiriwang ng Pasko sa bansa dahil sa paglalahad nito ng mga tradisyon at values ng pamilyang Pilipino habang nagpapalaganap ng mensahe ng pag-ibig, ligaya, at pag-asa.

Binigyang buhay ng “Idol Kids Philippines” grand winner na si Alexa Mendoza at finalists na sina Klied Cuangco ang Quinn Holmes ang patok na 2009 Christmas song na “Bro, Ikaw Ang Star ng Pasko.” Si AnnRain naman ang umawit ngayon ng remake ng 2010 jingle na “Ngayong Pasko Magniningning ang Pilipino.”

May hatid na twist ang It’s Showtime Kids na sina Jaze, Kulot, Kelsey, at Enicka sa “Da Best ang Pasko ng Pilipino,” isang Christmas song na unang napakinggan taong 2011. Sanib-pwersa naman sina Jeremy G at ang P-pop group na WRIVE para sa 2012 song na “Lumiliwanag ang Mundo sa Kwento ng Pasko,” habang nagsama-sama ang “Tawag ng Tanghalan” alumni na sina Marko Rudio, Ian Manibale, at MIAH para sa bagong bersyon ng 2013 Christmas ID na “Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko.”

Samantala, naghatid ng magandang rendisyon si Darren Espanto sa 2014 jingle na “Thank You, Ang Babait Ninyo,” habang inawit naman nina “Pinoy Big Brother: Gen 11” housemates Kolette Madelo, Kai Montinola, at Rain Celmar ang remake ng 2015 Christmas ID na “Thank You for the Love.” 

Ang bandang Six Part Invention ang siya namang nag-remake ng 2016 Christmas ID na “Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko” tampok si IMOGEN, habang ang grupong The 5 Of Us naman ang may hatid na bagong tunog sa “Just Love Ngayong Pasko (2017).  

Si Bryan Chong ang bagong boses sa likod ng remake ng 2018 original na “Family is Love” at may duet siya kasama si Annrain para sa reimagined version ng 2019 Christmas song na “Family is Forever.” 

Sina FANA at ACE$ naman ang nanguna sa remake ng “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya,” na unang narinig taong 2020, habang si Lyka Estrella ang nagbigay ng bagong buhay sa 2021 Christmas ID na “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa.” Dobleng pwersa rin ang hatid ng “Your Face Sounds Familiar” season 4 contestants na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano para naman sa remake ng “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” (2022). 

Hindi rin nagpahuli ang “PBB Celebrity Collab Edition” Big Winners na sina Brent Manalo at Mika Salamanca para sa bagong bersyon ng “Pasko Ang Pinakamagandang Kwento,” na unang narinig taong 2023. Ang P-pop group na DNA naman ang maririnig sa bagong remake ng 2024 Kapamilya ID na “Our Stories Shine this Christmas.” 

Pakinggan sa Spotify ang reimagined songs na tampok sa “A Kapamilya Christmas” playlist. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa  Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, and YouTube.   

For updates, follow @abscbnpr on Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok, or visit corporate.abs-cbn.com/newsroom.

ABS-CBN Music All-Star acts, naglabas ng remake ng Kapamilya Christmas songs