Inigo Jose at Reign Parani, tampok sa MV
Naglabas ng music video para sa kantang “Iba Ka Talaga” ang “Tawag Ng Tanghalan” season 5 grand champion na si Reiven Umali.
Tampok sa masaya at makulay na MV na kinunan pa sa Zambales ang “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0” housemate na si Inigo Jose at ang “Love At First Spike” star ng iWant na si Reign Parani.
“It’s about talaga sa pagiging adventurous at pagiging outgoing ni Reign,” kwento ni Reiven tungkol sa MV na nagpakita ng iba’t ibang nakaka-excite na outdoor date activities, tulad ng wall climbling, ziplining, at iba pa, na sinubukan ni Reign kasama si Inigo.
Hatid ng awiting “Iba Ka Talaga” ang pangako ng pagmamahal sa isang taong espesyal. Mula ito sa panulat ni Reynald Kyle Bondoc, inareglo ni ALAS, at prinodyus ni KIKX Salazar. Ito ang nagsisilbing key track ng debut EP ni Reiven na inilabas kamakailan sa ilalim ng Star Music.
“Ito yung napili namin ng Star Music na key track dahil feeling ko bagay talaga sa akin, ako talaga yun. Kalmado lang, laidback, parang personality ko yun,” ani Reiven.
Naglalahad ng iba’t ibang estado ng pag-ibig ang kanyang EP sa pamamagitan ng limang kanta. Kasama rito ang mga awiting “Big Honey,” “Pakimahal,” “Tayo Pa Ba?,” at ang isinulat niya na “Kahit Malayo.”
Panoorin ang “Iba Ka Talaga” MV sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at patuloy na pakinggan ang “REIVEN” EP. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, and YouTube.
For updates, follow @abscbnpr on Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok, or visit corporate.abs-cbn.com/newsroom.





