
Christmas concert ng Kapamilya stars, dapat pakaabangan!
Muling nagsama-sama ang mga naglalakihang Kapamilya stars para sa “Love, Joy, Hope: The ABS-CBN 2025 Christmas Special” upang maghatid ng saya at ligaya ngayong pasko, at ipaalala ang importansya ng pamilya at pagkakaisa.
Tampok sa special ang world-class performances ng “ASAP” family, “It’s Showtime” hosts, cast ng “FPJ’s Batang Quiapo,” “Roja,” “What Lies Beneath,” “PBB Celebrity Collab” housemates, leading men at women, love teams, Star Magic artists, mga icons sa industriya, at mga naglalakihang OPM artist.
Naghatid din ng tawa at kilig ang mga bida ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ng ABS-CBN na “Call Me Mother” na pinagbibidahan ni Vice Ganda at “Love You So Bad” nina Bianca de Vera, Dustin Yu, at Will Ashley.
Hindi rin dapat palampasin ang pagsasama-sama ng Kapamilya stars sa entablado para awitin ang viral Christmas ID ng ABS-CBN na “Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko.”
Damhin ang saya ng Pasko at regalo ng pagkakaisa sa “Love, Joy, Hope: The ABS-CBN 2025 Christmas Special.” Huwag palampasin ang two-part special ngayong Disyembre 13-14 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant, at A2Z.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
