News Releases

English | Tagalog

Karina at Aljon bibida bagong iWant original na "The Last Resort"

December 04, 2025 AT 10:08 AM

Muling Nagbabalik ang “KarJon”

Balik-tambalan ang former “Pinoy Big Brother: Otso” housemates na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa “The Last Resort” ng iWant sa Disyembre 8 (Lunes).

Ginagampanan ni Karina si Katrina, isang housekeeper na may tinatagong sikreto habang si Aljon ay gaganap naman bilang “Jacob” ang guest sa resort at mula sa kanyang pagdating ay tila sunod-sunod na ang kakaibang pangyayari sa resort.

 

Umiikot ang istorya sa sunod-sunod at kahina-hinalang pagkamatay ng mga lalaking may asawa ngunit palaging ipinalalabas ng pamunuan ng “La Mera Resort,” na aksidente lamang ang rason sa mga police reports.

 

Makakasama rin sa pelikula ang “Pinoy Big Brother: Gen 11” alum na si Patrick Ramirez, Elyson De Dios, Rania Lindayag, Paulo Angeles, John Arcenas, Randy Villarama, Emma Viri, at Brian Scott Lomboy. Kakaibang “KarJon” ang makikita sa pelikula at ibang-iba sa kanilang romantic cute image sa iba nilang serye at pelikulang pinagtambalan.

 

Sa direksyon ni Christian Paolo Lat, tinatalakay ng “The Last Resort” ang mga tema ng paghihiganti, paghinala, trauma, at pagkikilatis sa mga taong may itinatagong sikreto.

 

Alamin ang misteryo sa “The Last Resort,” eksklusibo sa iWant simula Disyembre 8 (Lunes).

Damhin ang bawat kwento, anumang oras, saanman, kahit kailan dito lamang sa iWant. I-download ang app at mag-subscribe sa Google Play, Apple App Store, o bisitahin ang website sa www.iwanttfc.com.

 

Para sa mga pinakabagong balita at update, i-follow lamang ang iWant sa  Facebook, TikTok, X, Instagram, and YouTube.

 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE