
Maki, wagi ng mga bigating parangal para sa sold-out concert
Nag-uwi ng pagkilala ang ilang Kapamilya artists at personalities sa 38th Aliw Awards para sa kanilang husay at kontribusyon sa industriya.
Tinanggap ni Maki ang Best Director for a Major Concert at Best Male Artist in a Major Concert na mga pagkilala para sa “Kolorcoaster.”
Kinilala rin si ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo bilang Best Composer for Original Musical Theater para sa makulay na dulang “Delia D.”
Wagi rin ang ASAP icons ng mga bigating pagkilala—pinangalanan si Regine Velasquez na Best Female Artist in a Major Concert, panalo si Ogie Alcasid ng Best Group Ensemble Performance in a Concert, kinilala rin sina Martin Nievera at Pops Fernandez na Best Collaboration in a Major Concert. Samantala, pinarangalan naman sina Gary Valenciano, Jed Madela, at Zsa Zsa Padilla ng Lifetime Achievement para sa kanilang kontribusyon sa industriya.
Naiuwi naman ni Star Magic artist Nikki Valdez ang Best Lead Actress in a Musical na pagkilala para sa dulang “Next to Normal.”
Ang Aliw Awards Foundation ay nagbibigay-parangal sa huwaran sa teatro at concert.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


