News Releases

English | Tagalog

Magtatambal sina argel saycon at jasmine dudley-scales sa bagong microdrama ng iwant na “when brothers fall”

December 12, 2025 AT 02:31 PM

Pamana at pagtataksil alang-alang sa pagkamit ng ambisyon

Pinalalakas ng iWant ang 2025 lineup nito sa paglabas ng ika-lima at huling nitong microdrama ngayong taon na “When Brothers Fall,” na pagbibidahan ng PBB alums na sina Argel Saycon (“Pinoy Big Brother: Otso) at Jasmine Dudley-Scales (“Pinoy Big Brother: Gen 11) sa isang high-stakes series na sumusuri kung paanong nawawasak ng pamana at pagtataksil ang isang pamilya. Mapapanood ito sa platform simula (Lunes) Disyembre 15.

Umiikot ang kuwento sa magkapatid na Jake at Eric Velasco, mga tagapagmana ng isang makapangyarihang steel empire. 

Si Jake (Argel Saycon), ang paboritong anak ng pamilya, ay idinadawit sa isang forced marriage para sa kinabukasan ng pamilya. Tumanggi sa buhay na ipinapasiya ng iba, tumakas siya sa isang malayong isla kung saan nakilala niya si Alison (Jasmine Dudley-Scales), isang babaeng tumatakas rin sa kapalarang hindi niya pinili. Ang pagkikita nila na ito ay nauwi sa pagmamahalan ng dalawa.

Samantala pagbalik sa Manila, pinilit naman si Alison na ikasal kay Eric (Ron Angeles), ang nakababatang kapatid na buong buhay ay namuhay sa anino ni Jake. Habang nakakasama ni Eric ng matagal si Alison ay natutunan na rin niyang mahalin ang babaeng minamahal ng kanyang kapatid. Dito nagsimulang gumuho ang kani-kanilang buhay at sumiklab ng pagtataksil laban sa pagitan ng dalawang magkapatid.

Hindi pa natatapos ang iWant sa pagbigay ng orihinal na content at istorya para sa manonood dahil marami pa itong ihahandog na microdrama series pagdating ng 2026.

Maghanda para sa matinding emosyon at rebelasyon. I-stream ang “When Brothers Fall” sa iWant ngayong (Lunes) Disyembre 15.

Tangkilikin ang iWant Originals at iba pang exclusive content sa halagang ₱35 bawat buwan.

 Damhin ang bawat kwento, anumang oras, saanman, kahit kailan dito lamang sa iWant. I-download ang app at mag-subscribe sa Google Play, Apple App Store, o bisitahin ang website sa www.iwanttfc.com.

 Para sa mga pinakabagong balita at update, i-follow lamang ang iWant sa  FacebookTikTokXInstagram, and YouTube.

 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa FacebookXInstagramTikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE