News Releases

English | Tagalog

FANA, palaban ang tunog sa debut album

December 05, 2025 AT 09:09 AM

Bagong chapter matapos manalo sa “PhilPop Himig Handog”

Matapang na hinarap ng Kapamilya singer na si FANA ang realidad ng pag-ibig at self-worth sa kanyang self-titled debut album.

 

Matapos magwagi sa “PhilPop Himig Handog” para sa rendition niya ng “Wag Paglaruan” ni Tiara Shaye, ipinapamalas ni FANA ang pop-R&B sound niya ngayon sa bagong album na naglalaman ng walong kanta, “Meron Pero Wala” ft. Ace$, “Overthinking,” “Gabi Gabi,” “Yoko Na” ft. Jarea, “Tabla Tayo,” “Get Me (Out),” “Wag Paglaruan (Solo Version),” at “Tawa Tawa (Na Lang).”

Kasama ni FANA sa pagbuo ng album ang iba’t ibang artists at composers na sina Khimo, Jeremy G, Jarea, Ace$, Tiara Shaye, Dana Balagtas, Erica Sabalboro, Kiko Salazar, at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo. Nagsilbing producers din nito si Jonathan kasama sina Darren Cashwell, Kiko Salazar, at Arnold Buena.

“Tabla Tayo” ang nagsisilbing key track ng album na tungkol sa laro ng pag-ibig na sumasalamin sa emosyon, pride, at tension sa pagitan ng dalawang tao.

Kasabay ng album, inilabas din ng singer-songwriter ang music video ng “Meron Pero Wala” kung saan nakasama niya si Jameson Blake.

Unang nakilala si FANA nang maging coach niya si Sarah Geronimo sa “The Voice Teens Philippines” season 1 at nang maging finalist siya sa “Idol Philippines” season 1. Naglabas din siya ng iba’t ibang awitin tulad ng “Love Story Ko” at “Tawa-Tawa.” Nitong Hunyo, nakasama niya sina Janine Berdin at Illest Morena para sa “tayo lang (may alam).”

Napapakinggan ang debut album ni FANA sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

FANA, palaban ang tunog sa debut album