Damhin ang init at sayang hatid ng mga kwentong Pinoy sa iWant, saan man sa mundo
Bida sa iWant ngayong Pasko at Buwan ng mga Overseas Filipino ang GMA Pinoy Bundle para sa mga kababayan sa abroad, tampok ang kilig, halakhak, drama, at iba pang Pinoy feels na kanilang hinahanap-hanap, na maaaring madama sa shows na napapanood sa iWant.
Damang-dama ang yakap at init ng mga kwentong Pinoy hatid ng mas pinalawak na pagpipilian na mga palabas kasama ang ilang paboritong Kapuso shows sa abot-kayang presyo simula USD 14.98 kada buwan (o katumbas na halaga sa bansang tinutuluyan).
Bida sa GMA Pinoy Bundle ng iWant ang pasabog collab ng Kapuso at Kapamilya sa mga inaabangan at trending shows ng madlang pipol na “It’s Showtime,” kasama sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Anne Curtis. Mapapanood din ang latest episodes ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0” tampok ang Kapuso at Kapamilya teen housemates na mapapanood saan man sa mundo (maliban sa North America, Latin America, at Spain).
Makakasama rin sa mas malaking misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan, tampok ang pinakamaiinit na balita sa bansa, hatid ng “24 Oras” kasama sina Mel Tiangco, Vicky Morales, at Emil Sumangil. Mapapanood na rin ang award-winning news magazine ng GMA Network na “Kapuso Mo, Jessica Soho,” tampok ang mga kwentong trending, kapupulutan ng impormasyon, at puno ng inspirasyon.
Mapapanood din ang mga kuwento na nakaka-antig ng damdamin at puno ng inspirasyon sa “Tadhana,” ang award-winning drama anthology series kasama si Marian Rivera. Samantala, masusubaybayan na rin ang iconic na kwento ng mga diwata sa kaharian ng bagong yugto ng fantasy series na “Encantadia Chronicles: Sang’gre” kasama sila Bianca Umali, Faith da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda.
Ihanda na rin ang tyan sa katatawanan dahil hindi rin pahuhuli sa iWant ang longest-running at iconic gag show ng GMA Network na “Bubble Gang,” kasama sina Michael V., Paolo Contis, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Analyn Barro, EA Guzman, Matt Lozano, Cheska Fausto, Buboy Villar, at Kokoy de Santos, at ang paboritong weekday game show ng mga Kapuso na “Family Feud” kasama si Dingdong Dantes.
Available sa higit 30 bansa, hatid ng iWant ang kumpletong Pinoy feels mula sa iWant Originals, top-rating teleseryes, blockbusters, exclusive premieres, live events, at international hits na maaring panoorin sa smartphones, smart TVs, at desktops.
Damhin ang init at sayang hatid ng mga kwentong Pinoy, saan man sa mundo, sa iWant sa abot-kayang presyo na USD 14.98 kada buwan (o katumbas na halaga sa bansang tinutuluyan).
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.



