Kaabang-abang ang pasabog nina Maymay Entrata, James Reid, BINI, at Cup of Joe ngayong Linggo (Disyembre 7) sa “ASAP.”
Tunghayan ang engrandeng duet nina Maymay at James.
Pupunuin naman ang inyong Linggo ng saya sa kantahan at sayawan na hatid ng Nation’s Girl Group, BINI. Samantala, chill Filipino jam naman ang dala ng Cup of Joe.
Walang katulad sa husay ang opening number nina Regine Velasquez, Angeline Quinto, Klarisse De Guzman, Lyka Estrella, Marielle Montellano, Carmelle Collado, Gary Valenciano, Darren, Maymay, ZsaZsa Padilla, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos, at Yeng Constantino.
Isang pasiklaban ang dapat abangan mula sa PBB ex-housemates na sina Kai Montinola, River Joseph, Esnyr Ranollo, Ralph De Leon, and Brent Manalo.
Walang bibitaw, dahil may supresang sayawan din sina AC Bonifacio, CJ Opiaza, Ken San Jose, and Jameson Blake.
Panoorin din muli ang espesyal na performance nina Martin, Ogie, Angeline, Darren, Yeng, Klarisse, at ASAP chorale para sa ika-50 taong anibersaryo ng Air Supply.
Kahanga-hanga rin ang talentong dala ng IV of Spades sa kanilang kantahan at tugtugan sa “ASAP” stage.
Bongga rin ang sayawan na hatid ng stars ng “ROJA” na sina Donny Pangilinan, Kyle Echarri, Maymay, AC, Kai, Lou Yanong, Igi Boy, Harvey Bautista, Emilio Daez, Gelo Marquez, at Kobie Brown.
Paniguradong mapupuno ng hiyawan ang magkaibang perfromances nina Regine, Bamboo at JJ Pietsch. Susundan ito ng pasabog dance act ni Yassi Pressman.
Tunghayan din ang pang-malakasang finale performance nina Gary, Martin, Regine, Erik, Angeline, Darren, Morissette Amon, at ASAP Chorale.
Huwag palampasin ang mga ito sa pinakamatagal nang tumatakbo at multi-awarded musical variety show ng bansa, “ASAP,” ngayong Linggo, 12 NN sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5. Mapapanood din ito online sa Kapamilya Online Live at iWant, at sa buong mundo sa pamamagitan ng TFC.
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom


