Pagbabalik-tanaw sa masasayang alaala ng Pasko
Nagbabalik-tanaw ang theater actor at pop balladeer na si Tim Pavino sa masasayang alaala ng Pasko sa holiday song release niya na pinamagatang “Season’s Breeze.”
“From a conversation to recording in the studio to shooting an MV, this has been one of the most rewarding artistic experiences I’ve ever had thus far!,” kwento ni Tim sa naging karanasan niya sa pag-rekord ng kanta na inilabas sa ilalim ng Old School Records ng ABS-CBN Music.
Layunin ng “Season’s Breeze” na ibalik sa mga alaala ng listeners ang masasayang moment ng mga nakaraang Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
“’Season’s Breeze’ is a song written by Kiko ‘KIKX’ Salazar and Adonis Tabanda, beautifully arranged by Sean V. Gonzales, that will take you back to your favorite memories with your loved ones,” kwento ni Tim.
“Dancing underneath the mistletoe, laughing with family and friends, and the warm feeling or embrace of not being alone celebrating Christmas,” dagdag pa niyang paglalarawan sa kanta.
Naging semi-finalist ng “The Voice of the Philippines” season 2 sa Tim sa ilalim ng kanyang coach na si Lea Salonga. Naging bahagi rin siya ng musical na “Side Show,” kung saan nakasungkit siya ng nominasyon sa 38th Aliw Awards bilang Best Featured Actor in a Musical, kasama ang Best Male Crossover Performer nomination.
Napapakinggan na ang “Season’s Breeze” ni Tim sa iba’t ibang music streaming platforms.
For updates, follow @abscbnpr on Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok, or visit corporate.abs-cbn.com/newsroom.

