News Releases

English | Tagalog

Kwento ng isang batang nais hanapin ang tatay sa buwan, bibida sa “Baka Doon sa Buwan” sa iWant

December 13, 2025 AT 10:32 AM

Ngayong Pasko, magniningning ang makabagbag-damdamin at makulay na paglalakbay ni Joy sa iWant

Bibida ang kwento ng isang batang babae na nais hanapin ang ama sa buwan, para mabuo ang kanyang pamilya, sa pinakabagong iWant Original movie ngayong kapaskuhan na “Baka Doon sa Buwan,” na eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong Disyembre 28 (Linggo).

Pinagbibidahan nina Aaliyah Marciano, Mimi Felicia, at Kate Alejandrino, tampok sa pelikula ang kwentong pampamilya ng walong taong gulang na si Joy (Aaliyah), isang batang kalahating Pinay at kalahating African-American.

Handang lumipad si Joy patungo sa buwan para ibalik ang kanyang ama sa mundo at pigilan ang kanyang ina na si Mercy (Kate) na iwan siya sa probinsya at ipagpalit sa mas maginhawang buhay sa Maynila.

Makikilala naman ni Joy ang isang Amerikanang guro na si Faith (Mimi) na unti-unting ipinadama sa kanya ang pagmamahal ng isang ina na bigong maiparamdam sa kanya ni Mercy na magiging ugat ng alitan ay samaan ng loob ng mag-ina.

Sa direksyon at panulat ni Noah Tonga, makikita sa “Baka Doon sa Buwan” kung paano nagiging ilaw ang pag-asa at paniniwala sa pangarap ng isang tao sa gitna ng pagkaligaw sa landas ng buhay. Layong magsisilbing inspirasyon ang kwento ni Joy sa mga pamilyang sama-sama at mga tao sa buong mundo ngayong Pasko.

Huwag palampasin ang makulay at kakaibang paglalakbay ni Joy tungo sa buwan sa “Baka Doon sa Buwan,” eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong December 28 (Linggo).

Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE