News Releases

English | Tagalog

"ASAP" may pasabog na pagtatanghal sa 30th anniversary kick-off celebration

February 02, 2025 AT 07:39 AM

May special performances mula kina Belle, Maki at BINI



Unli saya at pagmamahal sa kick-off celebration ng ika-30 na taon ng “ASAP,” na maghahatid ng mga natatanging pagtatanghal mula sa mga Pinoy icon at champions ngayong Linggo (Peb. 2) na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bago ang kanilang pinakaaabangang world tour, makiki-celebrate ang Nation's Girl Group BINI, na may dalang pasabog na opening performance kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Jona, Belle Mariano, Darren Espanto, at Kyle Echarri.

Tunghayan ang isang nakaantig na duet tungkol sa pag-abot ng pangarap kasama ang “Tawag Ng Tanghalan School Showdown” champion na si Carmelle Collado at si Asia’s Songbird Regine.  

Patuloy lang ang kasiyahan dahil hatid ng ASAP ang isang vocal performance mula sa new gen hitmaker na si Maki at nakakamanghang hatawan mula kina Joshua Garcia at Andrea Brillantes.

Abangan rin ang ultimate dance blowout mula sa Supah Dancers AC Bonifacio, Gela Atayde, Gab Valenciano, Ken San Jose, Fyang Smith, JM Ibarra, Jas Scales, Kolette Madelo, at BGYO. Subaybayan naman ang pinakamainit na prod mula sa Dance Sirens na sina Loisa Andalio, Anji Salvacion, at Chie Filomeno.

Panoorin rin ang nakakabilib na collab mula kina Gary at James Reid at nakakakilig na awitin mula sa Rockoustic Heartthrobs na sina Jarren Garcia, Kobie Brown, Blackburn, Anthony Meneses, at Luke Alford. Makiisa sa nakakaantig na pagpupugay kay Philippine Cinema Icon Gloria Romero kasama ang OPM queens na sina Regine, Angeline Quinto, at Zsa Zsa.

Huwag palampasin ang pinaka-espesyal na birthday bash para sa OPM icon na si Martin Nievera, na maghahatid ng isang natatanging pagtatanghal kasama si Pops Fernandez. Sasamahan rin si Martin ng all-star performers na sina Gary, Regine, Zsa Zsa, Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti, Kean Cipriano, Duncan Ramos, Princess Velasco, Juris, Erik, Angeline, Yeng, Jona, Klarisse De Guzman, Darren, Marielle Montellano, JM Dela Cerna, Reiven UMali, JM Yosures, Carmelle Collado, Lyka Estrella, at Khimo. 

Hindi naman magpapahuli sa pagdiriwang ang ASAP hosts na sina Robi Domingo, Donny Pangilinan, Janine Gutierrez, Edward Barbers, at Maymay Entrata.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.