News Releases

English | Tagalog

BINI, hatid muli ang playful vibes sa bagong kanta na "Blink Twice"

February 14, 2025 AT 10:09 AM

Bagong look ng BINI members, masisilip sa “Blink Twice” MV

Inilabas na ang bagong awitin ng BINI na “Blink Twice” tampok ang playful vibes, catchy beat, at signature charm ng nation’s girl group. Napapanood na rin ang music video ng kanta kung saan masisilip ang fresh look ng grupo. 

Tiyak na ma-eenjoy ng BLOOMs ang bigating music video tampok ang fun moves at makukulay na outfits ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena. 

Ang “Blink Twice” ang latest international release ng grupo kung saan tampok ang magkahalong pananabik at pagkalito ng isang tao sa paghihintay ng sign kung may nararamdaman din ba ang taong nakapukaw ng damdamin niya. 

Kasama sa sumulat ng kanta sina Amanda Ratchford, Pacific-Joshua Zagabe, Marqueze Parker, Darius Coleman, Pontus Kalm o Oneye na sumulat na para sa BTS at Le Serrafim, at Steven Franks o Mr. Franks na nakatrabaho na sina Ariana Grande at BLACKPINK. Sina Oneye, Leather Jacket, Mr. Franks, at Glitch ang nagprodyus ng kanta sa ilalim ng ABS-CBN Music International. 

Nakatakda nang i-perform ng grupo ang “Blink Twice” sa “BINIverse World Tour: Philippines” na aarangkada na sa Sabado (Peb. 15). 

Napapakinggan na ang “Blink Twice” sa iba’t ibang music streaming platforms habang available ang music video nito sa BINI Official YouTube channel.

Para sa karagdagang detalye, sundan ang BINI_ph sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel, BINI Official para sa updates.