Kumuha ng inspirasyon sa kwentong pag-ibig ng isang kaibigan
May bagong love anthem ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan na alay para sa LGBTQ+ community ngayong Valentine’s na pinamagatang “
Nagmamahal Lang Ako.”
Hatid na mensahe ng awitin na libre lang umibig at para ito sa lahat, anuman ang kasarian. Hango ito sa kwento ng isa sa matalik na kaibigan ni KZ na hindi pa maipagsigawan ang pag-ibig na nararamdaman.
“I wrote this song for one of my best friends na hindi pa maipagsigawan sa mundo ang pagmamahal na meron siya. While they wait for their right time, ako na muna ang mabibiing boses ng kwento niya,” ani KZ sa Instagram.
Si KZ rin ang nagprodyus ng kanta na inareglo ni Theo Martel, nirekord, mixed, at mastered ni Timothy Recla, at inilunsad sa ilalim ng Star Music.
Magiging bahagi ito ng upcoming album ni KZ na “Soul Supremacy II.”
Napapakinggan na ang “Nagmamahal Lang Ako” sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.