Kauna-unahang Filipino group na nagkaroon ng sold-out show sa PH Arena
Matapos gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino group na nagkaroon ng sold-out show sa Philippine Arena para sa unang leg ng “BINIverse World Tour 2025,” opisyal nang inanunsyo ng BINI ang mga nakatakda nilang concert sa UAE, UK, at North America ngayong taon.
Dadalhin nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang “BINIverse World Tour” sa Dubai at London sa May 18 at 25.
Bibisita rin sila sa maraming lugar sa US bitbit ang BINI fever. Abangan ang grupo sa New York sa May 31, Washington sa June 3, Boston sa June 4, Rosemont sa June 6, Houston sa June 9, Dallas sa June 10, Las Vegas sa June 13, Los Angeles sa June 14, Temecula sa June 15, San Francisco sa June 17, at Seattle sa June 20.
Magtatapos ang kanilang world tour sa Vancouver, Canada sa June 21.
Magiging available ang London at Dubai presale tickets para sa BINI.GLOBAL exclusive members sa Feb. 18, 10am (local time) habang ang North America presale ay magsisimula naman sa March 3, 10am (local time).
Bago ang kanilang world tour, inilabas ng nation’s girl group ang bagong single na “Blink Twice” bilang patikim sa kanilang bagong EP na “BINIverse” na mapapakinggan sa Pebrero 27 (Huwebes). Nakakuha agad ang bagong pop anthem ng mahigit 1.7 million streams sa Spotify at 3.9 million streams sa YouTube sa loob lamang ng apat araw.
Samahan ang BINI sa kanilang “BINIverse World Tour 2025” at pakinggan ang bagong single na “Blink Twice” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang BINI_ph sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube, o bisitahin ang
bini.abs-cbn.com.