News Releases

English | Tagalog

Melai at Robi, magbibigay kulay bilang hosts ng "Pilipinas Got Talent" Season 7

February 20, 2025 AT 08:55 PM

Magsasanib-pwersa ang well-loved hosts at power duo na sina Robi Domingo at Melai Cantiveros, ang bagong hosts ng pagbabalik ng world-class talent search na “Pilipinas Got Talent.”

Bilang hosts ng 7th season ng show, pakikinggan nila ang mga nakaka-antig na kwento ng contestants at mamamangha sa bagong at eksplosibong talents na matutunghayan nila kasama ang viewers. 

Bukod sa pagbibigay ng saya sa mga manonood, may kapangyarihan din sila pumili ng kanilang Golden Buzzer act. Samantala, makakasama rin nila sa show ang Star Magic artists na sina Lorraine Galvez at Wize Estabillo, ang napiling online hosts ng gap show na "PGT Exclusives."

Abangan naman bukas ang official announcement ng bagong set of judges ng "Pilipinas Got Talent season 7."

Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa iba pang updates.

I-follow rin ang @abscbnpr on Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE