Maymay serves another empowering dance-pop anthem in her comeback single "Paradise."
Mangangabog sa kanyang panibagong dance-pop anthem
Inilunsad na ni Maymay Entrata ang bago niyang dance-pop anthem na tinawag na “
Paradise.”
Napapanood na rin ang music video nito sa YouTube, tampok ang magkaibang bersyon ng paraiso mula sa dalawang tao.
Ang Songwriter of the Year ng 2025 GRAMMY Awards na si Amy Allen ang sumulat ng kanta, na nakatrabaho na ang maraming international artists tulad nina Sabrina Carpenter, Tate McRae, at Olivia Rodrigo.
Tungkol ang “Paradise” sa journey ng isang tao mula sa pagsubok na isalba ang isang relasyon hanggang sa tuluyang pagbitaw nito at pagpili na mas pahalagahan ang sarili.
“The first step to enter Paradise is realizing that you’re worthy. This song comes from the bottom of my heart po and I hope it speaks to yours,” ani Maymay sa Instagram.
Si Maymay ang isa sa rising global acts ng ABS-CBN na nasa likod ng viral hit na “Amakabogera,” na nagwaging Song of the Year sa LionhearTV RAWR Awards at umani na ng higit sa 10 million Spotify streams.
Meron na ring higit sa 27 million YouTube plays ang music video nito. Ilan pa sa pumatok niyang awitin ang “Kakayanin Kaya,” “Puede Ba,” at “Tsada Mahigugma.”
Napapakinggan na ang “
Paradise” single ni Maymay sa iba’t ibang music streaming platforms (
orcd.co/maymay_paradise). Para sa karagdagang detalye, sundan si Maymay sa
Facebook,
Instagram,
X,
Spotify,
TikTok, at
YouTube.