News Releases

English | Tagalog

FMG, Donny, Eugene, at Kathryn, ipinakilala nilang power judges ng "Pilipinas Got Talent" Season 7

February 21, 2025 AT 08:12 PM

Nagbabalik ang "Pilipinas Got Talent" ngayong Marso...



Pasabog ang power judges ng "Pilipinas Got Talent" season 7 na nagbabalik ngayong Marso! 

Inanunsyo na ng ABS-CBN ang bagong set ng judges na sina  Freddie "FMG" Garcia,  Donny Pangilinan, Eugene Domingo, at Kathryn Bernardo.

Sa pananaw ni Eugene, perfect ang grupo nilang kumilatis at isulong ang Filipino talent.

"FMG is the authority.  I add the fun.  Kathryn is the heart.  And Donny represents the young generation," sabi niya.

Isang bagong hamon naman para kay Kathryn ang maging judge ng "PGT."
"This is another first for me, and I want to experience it.  I think it's a good breaker after doing 'Hello Love Again' and before I start with a new project," sabi niya.

Dream come true naman kay Donny ang maging bahagi ng "PGT." 

"Pangarap namin ni Robi to do 'PGT' together. Dati pa as in MYX days. I'm so glad that they have put so much trust in me, and right now, I'm just gonna try to learn as much as I can," sey niya. 

Masaya naman si FMG sa pagbabalik ng "PGT" pati sa mga bago at eksplosibong acts ngayong season. 

"It feels so good because it's been so long. I'm so excited kasi baka ngayon ko makita yung talent na hinahanap ko," pagbabahagi niya. 

Mapapanood na ngayong March, samahan ang bagong set ng judges na kilatisin ang best Pinoy acts ng bansa. 

Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa iba pang updates.

I-follow rin ang @abscbnpr on Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE