Kanilang ika-30 album tampok ang timeless at ‘beautiful’ tracks
Naglabas ng bagong multi-genre at multi-era album na “
Beautiful Day” ang vocal harmony group na The CompanY sa pagdiriwang ng kanilang ika-40 anibersaryo sa industriya.
Ito na ang ika-30 album ng singing quartet na kinabibilangan nina Annie Quintos, Moy Ortiz, OJ Mariano, at Sweet Plantado.
“We made it to album 30! Profoundly grateful to God, all the record companies, record producers, songwriters, and arrangers who said yes to every single step forward. Lastly, thank you to our loyal audience who have kept us good CompanY for the long run,” sabi ng The CompanY.
May 10 reimagined songs at isang bonus track ang bagong album kasama na ang title track na “Beautiful Day” at mga awiting “I Will Sing Forever,” “Shine,” “Shout For Joy,” at “Lead Me Lord.”
Tampok din sa album ang key track na “You’re My Home” at sariling bersyon ng grupo ng “This Will Be (An Everlasting Love)” kasama si Bituin Escalante, “Of All The Things,” “One More Gift,” at “Love Is The Answer” na mayroon ding extended house remix.
Nabuo ang The CompanY taong 1985 kabilang ang mga miyembro na nagmula sa Ateneo College Glee Club. Bago ang “Beautiful Day,” inilabas nila ang isa pang multi-genre album na “Gitna.”
Pakinggan ang “Beautiful Day” album ng The CompanY na available na ngayon sa iba’t ibang
music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.