Sa pagdiriwang ng ika-10 taon ng kanta
Binigyan ng bagong timpla ng “Tawag ng Tanghalan” alumnus na si John Saga ang hit song na “
Akin Ka Na Lang.”
Unang inawit ito ni Morissette bilang entry sa 2014 Himig Handog P-pop Love Songs. Inilunsad naman ni John ang kanyang rendition bilang selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng awitin.
“I feel so honored to be a part of the legacy of this iconic song,” saad niya sa isang Instagram post.
Ikinuwento rin ni John kung paano nagsimula ang remake sa simpleng text message mula sa composer at producer nito na si Kiko “Kikx” Salazar.
“Akala ko talaga na wrong send ka lang when you sent me a message about this project but thank you for seeing me and for allowing me to reimagine this beast of a song,” pasasalamat niya.
Matapos ang kanyang “TNT” season 3 journey, naglabas si John ng cover album na pinamagatang “Overture, Vol. 1.” Nakasama niya sina Anton Antenorcruz at Raven Heyres para sa iprinodyus ni Boy Abunda na EP na “Say It Clear Say It Loud” na inilunsad noong Pride Month ng nakaraang taon.
Pakinggan ang remake ng “Akin Ka Na Lang” ni John sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.