Witness dwta as she takes over "MYX After Party" happening this March 1 at Melvin Jones Grandstand, Baguio.
Makikisaya sa “Kapamilya Karavan: Panagbenga Festival”
Magpapasaya ang “MYX After Party” music event sa Panagbenga Festival 2025 tampok ang breakout folk-pop artist na si dwta sa Melvin Jones Grandstand, Baguio sa Sabado (Marso 1), 8pm.
Hatid ng MYX at ABS-CBN Regional ang “MYX After Party” na isang gabi na puno ng musika, sining, at kultura para sa “Kapamilya Karavan: Panagbenga Festival.”
Saksihan ang musical performance ni dwta tampok ang kanyang hits tulad ng “Delikado,” “Santigwar,” “Padaba Taka” at marami pang iba. Makakasama rin niya si DJ Duke habang papangunahan naman ito ng MYX VJs na sina VJ Samm Alvero at Kring Prologo.
Iikot rin si Kring para makipagkulitan sa audience at maghanap ng mga sasabak sa “MYX On The Street” kung saan sasalang sila sa karaoke contest. Para makasali, i-follow ang MYX sa TikTok at YouTube pagkatapos ay makakapili sila kung nais nilang kumanta nang solo o maka-duet ang isang MYX VJ. Maraming exciting prizes naman ang naghihintay sa mapipiling winner.
Makisaya sa “MYX After Party” na gaganapin sa Melvin Jones Grandstand sa Marso 1, 8pm. Libre ang admission dito. Para sa karagdagang detalye, sundan ang MYX Global sa Facebook, YouTube, X (Twitter), TikTok, at Instagram at bisitahin ang myx.global.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.