News Releases

English | Tagalog

"BINIverse" EP ng BINI, inilabas na

February 28, 2025 AT 08:45 AM

BINI drops most exciting EP yet "BINIverse"

Step into the exciting world of "BINIverse" EP out now on all streaming platforms.

Tampok ang 6 na kanta kasama ang collab nila ng Korean-American artist na si eaJ

May handog na fresh bubblegum pop songs ang nation’s girl group na BINI sa kanilang bagong EP na pinamagatang “BINIverse.” 

Meron itong anim na awitin kabilang ang “Blink Twice,” “Zero Pressure,” Secrets,” “Out Of My Head,” and “Cherry On Top” at “Cherry On Top BINIMO Remix.”   

May tunog 80s pop ang “Zero Pressure” na tungkol sa ambisyon at pagtitiyaga. 

Usapang pagtitiwala naman sa relasyon ang hatid ng “Secrets” na kolaborasyon ng BINI sa Korean-American singer-songwriter at dating Day6 member na si eaJ. 

Samantala, kwento ng pinagdadaanan ng isang tao kapag napaibig ang hatid ng “Out of My Head.”

Tungkol naman sa pananabik at pagkalito ng isang tao sa paghihintay ng sign ang “Blink Twice” na naunang inilabas noong Pebrero 13.  Ang kanilang Cherry on Top” na tumabo na sa 100 million combined streams ay kasama rin sa album pati na ang remix version nito tampok ang sikat na Indonesian act na si Agnez Mo. 

Sinusundan ng “BINIverse” EP ang 2024 EP ng grupo na “Talaarawan” tampok ang chart-topping hits na “Karera,” “Pantropiko,” at “Salamin, Salamin.”  

Kinilala bilang Top Local Artist of 2024 ng The Official Philippines Chart, ang BINI ang kauna-unahang Filipino group na nagkaroon ng sold-out concert sa Philippine Arena noong Pebrero 15 para sa pagsisimula ng kanilang “BINIverse World Tour.” Sinundan nitong milestone ng grupo ang sold-out three-day concert nila sa New Frontier Theater at sold-out three-day concert sa Araneta Coliseum. 

Available na ang “BINIverse” EP dito: https://orcd.co/bini_biniverse. Para sa updates, sundan ang BINI sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, atYouTube o bisitahin ang bini.abs-cbn.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE