“As we celebrate Women’s Month, let’s forget about the numbers that pressure women. Remember, you are worthy of love, no matter your insecurities,” ani KZ sa Instagram.
Sa isa pang post ng Kapamilya artist na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Marso 11, ang awitin ang birthday gift niya para sa kapwa babae.
“This is my birthday gift to all the incredible women out there,” sabi niya.
Isinulat at iprinodyus ni KZ ang kanta na inareglo ni Theo Mortel, habang si Timothy Recla naman ang nag-mix at master nito.. Inilunsad ang awitin sa ilalim ng Star Music.
Sinusundan ng “Numbers” ang Valentine’s offering ni KZ na “Nagmamahal Lang Ako.” Nakatakda na rin niyang ilunsad ang pinakahihintay na “Soul Supremacy II” album sa nalalapit na panahon.
Napapakinggan na ang “Numbers” ni KZ sa iba’t ibang music streaming platforms (https://orcd.co/numbers-kztandingan). Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.