News Releases

English | Tagalog

Jarren, inilunsad ang self-titled debut album

February 07, 2025 AT 08:59 AM

Magpapasiklab sa album launch at fan meet na gaganapin sa Skydome

Panibagong era ang masisilayan mula sa “Pinoy Big Brother: Gen 11” ex-housemate na si Jarren Garcia matapos ilunsad ang kanyang self-titled debut album sa ilalim ng StarPop.

Tampok sa album ang walong awitin kasama ang R&B key track na “Gimme, Gimme, Gimme” na tungkol sa lalaking na naghahanap ng tamang babae sa kanyang buhay. 

“It talks about finding and receiving the love that you deserve after being with someone that didn’t appreciate you,” saad ni Jarren sa panayam ng PUSH.

Isinulat ito ni Jarren kasama sina StarPop label head Roque “Rox” Santos at ABS-CBN Music operations and creative head Jonathan Manalo.

Ilan din sa laman nitong awitin ay ang “Make It, Make It Sense,” “Impulsive,” “Pardon My Pace,” “Never Go Away,” “Future,” “Without Warning,” at “Hits Different.”

Aabangan din ng fans ang “That Boy, Jarren” album launch at fan meet kung saan makakasama ni Jarren ang special guests na sina Kai Montinola at Kolette Madelo sa SM City North Edsa Skydome ngayong Peb. 8 (Sabado). Sold out na ang regular tickets (P1,699) nito habang available ang VVIP (P3,499) at VIP (P2,799) sa SM Tickets outlets. 

Bago ang kanyang “PBB” journey, sumabak si Jarren sa “The Voice UK” noong 2020. Kasalukuyan siyang mapapanood bilang VJ sa music channel na MYX, bahagi ng Rockoustic Heartthrobs ng “ASAP,” at regular guest sa “It’s Showtime.”

Pakinggan ang debut album ni Jarren at samahan siya sa “That Boy, Jarren” album launch at fan meet ngayong Peb. 8. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE