News Releases

English | Tagalog

2025 ABS-CBN Ball red carpet, mapapanood ng live sa Abril 4

March 11, 2025 AT 01:53 PM

Catch the 2025 ABS-CBN Ball red carpet live on April 4

ABS-CBN brings together the brightest Kapamilya stars for the highly anticipated 2025 ABS-CBN Ball, dubbed “Brighter Together,” on April 4, celebrating the artists, employees, and industry partners who continue to shape ABS-CBN's journey as a global storytelling company.

Kapamilya stars magbibigay pugay sa magagandang kwento

Muling magsasama-sama ang mga pinakamaningning na bituin at personalidad sa bansa para sa “ABS-CBN Ball 2025: Better Together” na gaganapin sa Abril 4. Ang pinakaaabangang selebrasyon ay bilang pasasalamat ng kumpanya sa kanilang talents, empleyado, at partners sa industriya para sa kanilang suporta.

Layunin din nitong maghatid ng tulong sa beneficiaries ng ABS-CBN Foundation. Bahagi ng kikitain sa fundraising event ay mapupunta sa pagsulong ng kanilang mga proyekto at adbokasiya.

Sa unang pagkakataon ngayong taon, muling masisilayan ng Kapamilya fans ang pagbabalik ng kanilang mga paboritong artista, performers, love teams, at icons sa industriya sa red carpet ng pinakamalaking charity ball sa bansa.

Panoorin ang special coverage sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, iWantTFC, at TFC-IPTV. Huwag din palampasin ang kauna-unahang “ABS-CBN Red Carpet Recap” para sa insider scoop sa looks ng best-dressed Kapamilya stars.

Maari ring mapanood ang replay sa Metro Channel, Kapamilya Channel, at TFC-IPTV simula Abril. 6.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.