Abangan rin ang fresh na pagtatanghal mula sa ASAP singing champions
\Gawing super saya ang inyong weekend sa panonood ng performances tampok ang collab nina Gary Valenciano at James Reid, at ang performance ni Maki ng kanyang bagong single na “Bughaw” ngayong Linggo (Marso 16) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
May handog na bagong performance ang singing champions na sina Jed Madela, Jason Dy, Reiven Umali, Khimo, JM Yosures, Carmelle Collado, Lyka Estrella, Marielle Montellano, at JM Dela Cerna.
Balikan din ang epic na opening performance mula kina Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos, Yeng Constantino, Jona, Alexa Ilacad, Maymay Entrata, Darren, AC Bonifacio, at Jackie Gonzaga tampok ang mga patok na kanta sa TikTok.
Abangan ang vocal performances mula sa OG ASAP hosts na sina Martin at Pops Fernandez. Samantala, magpapakitang-gilas rin ang ASAP divas na sina Regine, Zsa Zsa, Jona, Klarisse, Morissette, at Yeng. Sundan ito ng isang heartwarming gig mula sa Rockoustic Heartthrobs na sina Kobie Brown, Blackburn, Jarren Garcia, Luke Alford, at Anthony Meneses.
Samantala, huwag palampasin ang mga pasabog na dance acts mula sa Supah Dancers na sina Joshua Garcia, AC Bonifacio, Gela Atayde, Gab Valenciano, Ken San Jose, Fyang Smith, JM Ibarra, Jas Scales, at Kolette Madelo, pati na rin ang Dance Sirens na sina Loisa Andalio, Anji Salvacion, at Chie Filomeno. Ituloy ang kasiyahan sa isang espesyal na dance prod nina AC, Ken, Jas, at Kolette, at nakakabilib na performance mula sa BGYO.
Saksihang muli ang nakakaantig na duets mula sa OPM icons na sina Martin, Gary, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Yeng, Jed, Jona, at Morissette. Makisaya ngayong Linggo kasama ang hosts na sina Robi Domingo, Janine Gutierrez, Edward Barber, Darren, Donny, Belle, at Maymay.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.