BGYO delivers the perfect summer soundtrack with their self-titled EP.
Summer-perfect soundtrack tampok ang 5 awitin
Andito na ang swak na soundtrack ngayong tag-init sa paglabas ng
self-titled EP ng BGYO tampok ang 5 kanta.
Hatid nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang apat na English songs na ”Divine,” “Trash,” “Light My Fire,” at “Heartstrings,” at isang Tagalog song na tinawag na “Andito Lang” sa kanilang bagong mini-album.
Tungkol sa nakakamanghang pag-ibig ang kantang “Divine” na nagsisilbing key track ng “BGYO” EP. Inilabas na rin sa BGYO Official YouTube channel ang “Divine” music video na makulay at masayang summer party ang hatid sa manonood.
Mula sa masayang pag-ibig, mapanakit na damdamin naman ang mararamdaman sa “Heartstrings” na isinulat at prinodyus ni Chris Lopez, aka Moophs. Isa pang bagong handog ng Filipino boy group ang nakakaindak na “Light My Fire” na mula sa komposisyon at produksyon ng US-based musician na si Dante Bowden.
Kabilang din sa EP ang nauna nang inilabas na awitin na “
Trash” na tungkol sa handang gawing sakripisyo pagdating sa pag-ibig at pop rock anthem na “
Andito Lang” na hango sa solid na samahan ng grupo.
Patuloy ang BGYO sa paghahatid ng musika na talaga namang may refreshing vocals at nakakaindak na tunog. Umani na ang grupo ng mahigit sa 50 million Spotify streams, 30 million YouTube views, at no. 1 iTunes debuts hindi lang sa Pilipinas kungdi pati na rin sa Hong Kong, Singapore, UAE, Saudi Arabia, at iba pa.
Napapakinggan na ang “BGYO” EP sa iba’t ibang music streaming platforms worldwide (
https://orcd.co/BGYO_EP) habang available na rin ang “Divine” music video sa YouTube. Para sa karagdagang detalye, sundan ang @bgyo_ph sa
Facebook,
X,
Instagram,
TikTok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel,
BGYO Official.