News Releases

English | Tagalog

Kyle Daniell, may awitin para sa mga "Hindi Minahal"

March 19, 2025 AT 04:27 PM

Bagong balladeer mula sa Star Music
 
Halaga ng self-love ang nais iparating ng bagong Kapamilya singer na si Kyle Daniell sa kanyang awitin na “Hindi Minahal.”
 
Mula sa komposisyon niya kasama si Roly Halagao ang latest Star Music release na tungkol sa pagiging matatag sa gitna ng hindi nasukliang pag-ibig. 
 
“Gusto ko talagang gumawa ng song na pwede makapag-remind sa mga tao na to love yourself. Kapag pinakinggan mo yung song, it’s a message for those people who are struggling to move on,” ani Kyle.
 
Para sa bagong Star Music artist, malaki ang naitulong ng pagiging songwriter niya para maihatid ang mensahe ng kanta.  
 
“Kapag songwriter ka, mas madali mong mae-express ‘yung kanta. Mas maiintindihan mo ‘yung bawat detalye nung ginagawang kanta. Mas magaganda mo siyang made-deliver,” saad ni Kyle sa panayam sa ABS-CBN News.
 
Sina Kiko “Kikx” Salazar at ALAS ang nagprodyus ng “Hindi Minahal.”
 
Nagmula sa Bulacan si Kyle na unting-unti nakikilala sa kanyang soulful pop-ballad songs. Matapos madiskubre ng composer at producer na si Roly Halagao, naging bahagi si Kyle ng isang talent management company kung saan nahasa niya ang talento sa musika. Noong 2022, inilabas niya ang debut single na “To Last Forever” na swak para sa isang feel-good beach party. Bukod sa musika, isa rin siyang digital commercial actor.
 
Napapakinggan na ang “Hindi Minahal” sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE