Sing-init ng panahon ang naging pagtanggap ng libu-libong mga Ilonggo sa Kapamilya stars na bumisita sa Passi City, Iloilo, sa pangunguna nina Julia Montes at Sam Milby, para sa “Bida Kapamilya” noong Linggo (Marso 16).
Kasabay ng pagdiriwang para sa Pintados Festival, naghatid ng saya at pasasalamat sa mga naghihiyawang Passinhon at Ilonggo ang cast ng “Saving Grace: The Untold Story,” kung saan naghandog ng mga madamdaming awitin sina Julia, Sam, Christian Bables, PJ Endrinal, at Majoy Apostol.
Nagpatikim naman ng kanilang umaapaw na chemistry ang cast ng inaabangang digital movie na “The Four Bad Boys and Me,” isang adaptation ng sikat na Wattpad novel, matapos ang nakakakilig na performances nina Anji Salvacion, BGYO Gelo, Dustine Mayores, at Harvey Bautista.
Samantala, hitik din sa saya ang mga dumalo matapos ang pasabog na mga performance mula kina “Pinoy Big Brother Gen 11” Big 4 na si Kolette Madelo, “ASAP” singer na si JM Yosures, at ang host ng “Time To Dance” na si Gela Atayde.
Bukod sa masasayang performances, nakapag-enjoy din ang mga dumalo sa iba't ibang libreng "Bida Kapamilya" booths. Nariyan ang mga pampalamig na ice cream ng "Ice Shaving Grace" at iced coffee at chocolate ng "Iced Drinkcognito," kabilang din ang libreng gupit mula sa "Gupitan ni Tanggol" at pagkakataong maka-duet ang "ASAP" Champion na si JM Yosures sa "Bidaoke Champions" booth.
Abangan kung saan naman susunod na pupunta ang "Bida Kapamilya" sa kanilang patuloy na pag-iikot sa iba't ibang parte ng bansa para maghatid ng saya sa mga Kapamilya.
Sama-samang mag-enjoy kasama ang buong pamilya sa panonood ng mga programa ng ABS-CBN Studios sa TV. Tutukan ang “Saving Grace: The Untold Story” (weeknights ng 9:30 PM) at “ASAP” (kada Linggo ng 12NN) sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Samantala, napapanood ang “PBB Celebrity Edition Collab” (weekends ng 10 PM at weeknights ng 6:15 PM) sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC, at kada Sabado naman ng 8:30 PM ang “Time To Dance” sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, at TFC.
Para makakuha ng latest updates mula sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN, bisitahin ang
savinggrace.abs-cbn.com,
pbb.abs-cbn.com,
asap.abs-cbn.com, at
timetodance.abs-cbn.com.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X,
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.