Isa na namang mapanakit na love song mula sa OPM hitmaker
Inaalay ng OPM hitmaker na si Ogie Alcasid ang bago niyang kanta na “Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo?” sa mga nasawi sa pag-ibig.
“This one goes out to the brokenhearted. The ones who need a real hug right now,” sabi ni Ogie sa Instagram.
Ang “It’s Showtime” host at isa sa "ASAP" icons ang siyang sumulat ng mapanakit na kanta na tungkol sa pagsisisi at what if’s pagdating sa pag-ibig. Siya rin ang nagprodyus nito katulong ang ABS-CBN Music creatives, content, and operations head na si Jonathan Manalo.
“The journey of writing songs about love will never end,” pagbabahagi ng Kapamilya singer-songwriter sa isa pang social media post.
Bago ang opisyal na paglulunsad nito, ipinarinig ni Ogie ang latest Star Music release sa pamamagitan ng boluntaryong pagtugtog ng piano at pag-awit sa isang mall sa Makati City.
Naglabas din siya ng iba’t ibang videos ng Kapamilya stars na sina Yeng Constantino, Fyang Smith, Rain Celmar, Kai Montinola, Jarren Garcia, JM Ibarra, at Jackie Gonzaga na naglalarawan ng kani-kanilang mga ‘sana’ hango sa mensahe ng kanta.
Napapakinggan na ang “Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo?” single ni Ogie sa iba’t ibang music platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.