News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, wagi ng 13 na parangal sa PMPC Star Awards for Television

March 24, 2025 AT 02:04 PM

ABS-CBN wins 13 honors at PMPC Star Awards for Television

ABS-CBN received 13 awards, including a special award for the popular tandem of Kim Chiu and Paulo Avelino, at the Philippine Movie Press Club's (PMPC) 38th Star Awards for Television.

KimPau, naiuwi ang German Moreno Power Tandem na parangal
 
Tumanggap ng 13 na parangal ang ABS-CBN, kabilang ang patok na tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, sa 38th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nasungkit ng "FPJ’s Batang Quiapo," ang number one primetime teleserye sa bansa, ang Best Primetime TV Series na parangal.

Big winner din si Kim Chiu at naiuwi nito ang Best Drama Actress na parangal para sa “Linlang” at Female Star of the Night. Tinanggap naman ni Piolo Pascual ang Best Drama Actor na tropeyo para sa “Pamilya Sagrado” pati na rin ang Male Star of the Night na parangal.

Kinilala naman si Janine Gutierrez bilang Best Drama Supporting Actress para sa “Lavender Fields” at Female Celebrity of the Night.

Samantala, pinangalanang Best Variety Show ang top-rating noontime show na "It’s Showtime," habang tinanggap ni Anne Curtis ang Best Female Host na parangal.

Ginawaran ang beteranong journalist na si Kabayan Noli de Castro ng Best Male Newscaster para sa kanyang husay sa pagbabalita sa "TV Patrol."

Hinirang din bilang Best New Female TV Personality ang "Pinoy Big Brother Gen 11" big winner na si Fyang Smith. Samantala, ang mga host ng show na sina Alexa Ilacad, Bianca Gonzalez, Enchong Dee, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Robi Domingo ay itinanghal bilang Best Reality Show Host.

Binigyang pagkilala rin ang nakakakilig na tambalang KimPau nina Kim Chiu at Paulo Avelino at tinanggap ang German Moreno Power Tandem award.

Itinatag noong 1987, ang Star Awards for Television ng PMPC ay kinikilala ang mga huwaran na palabas at personalidad sa Pilipinas.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE