Naglabas ng original single ang tinaguriang ‘Revival King’ na si Jojo Mendrez na pinamagatang ”
Nandito Lang Ako.”
Ibinahagi ng OPM singer na nakilala sa kanyang remake ng mga kantang “Basta Ikaw,” “Magkabilang Mundo,” at “Somewhere in My Past” ang karanasan niya sa recording kasama ang songwriter-producer at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head na si Jonathan Manalo.
“For me, para buo at kumpleto ang pagiging singer, dapat meron kang isang Jonathan Manalo composition,” sabi ni Jojo.
“Nag-take talaga ako ng tranquilizer the first day na nag-meet kami [ni Jonathan] during the recording session. Medyo complicated yung song na crineate niya gawa ng pabago-bago ang tono, tumataas sa dulo,” kwento niya.
Nagsimulang sumali sa singing contests si Jojo sa edad na 10 taong gulang sa probinsya ng Quezon kung saan siya lumaki. Isang dekada naman ang lumipas nang pumunta siya sa Maynila at nag-enroll sa singing lessons sa music school ni Ryan Cayabyab. Taong 2018 nang masungkit niya ang Star Awards for Music Revival Song of the Year para sa remake niya ng “Handog.” Umani na rin ng 50 million combined views ang bersyon niya ng “Somewhere In My Past” mula sa iba’t ibang platforms.
Makakasama ni Jojo ang Superstar na si Nora Aunor sa music video na ilalabas niya para sa “Nandito Lang Ako.”
Nakatakda rin niyang ilabas ang ilan pang remake tulad ng “Tamis Ng Unang Halik” at “I Love You Boy.”
Napapakinggan na ang “Nandito Lang Ako” ni Jojo sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa
Facebook,
X (Twtter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok, o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.