News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel Foundation pres. Rina Lopez, tumanggap ng parangal

March 26, 2025 AT 03:00 PM

Knowledge Channel Foundation's Rina Lopez honored for contributions in education

Knowledge Channel Foundation President and Executive Director Rina Lopez was honored with the inaugural Gawad Flora A. Ylagan Award for Eminent Women in Education from the National Teachers College (NTC) for her contributions to education, particularly in early childhood development.

Isa sa kauna-unahang tumanggap ng Gawad Flora A. Ylagan Award for Eminent Women in Education sa bansa

Pinarangalan kamakailan ng National Teachers College (NTC) ang presidente at executive director ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) na si Rina Lopez ng Gawad Flora A. Ylagan Award for Eminent Women in Education bilang pagkilala sa kanyang mahahalagang kontribusyon sa sektor ng edukasyon sa bansa.

Isa si Rina sa mga kauna-unahang tumanggap ng prestihiyosong pagkilala mula sa NTC kasabay ng paggunita sa ika-56 na death anniversary at pag-alala sa misyon ng co-founder nito na si Dr. Flora A. Ylagan na makapaghatid ng dekalidad ng edukasyon sa kabataan.

Partikular ding kinilala ng NTC ang ilang kababaihan, tulad ni Rina, na nagpamalas ng dedikasyon para makapaghatid ng positibong pagbabago sa bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Women’s History Month na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”

Ayon kay Rina, inspirasyon niyang matulungan ang mga guro at ang mga kabataan sa pamamagitan ng mga makabagong paraan ng pagtuturo at pagkukwento na mapapanood sa Knowledge Channel.

Aniya, “Championing education—especially Early Childhood Development—requires collaboration. I have been fortunate to work with passionate individuals, dedicated partners, and organizations who have shared their time, knowledge, and strength. Together, we have brought hope to underserved communities, empowered teachers, and created content that goes beyond traditional learning.”

Una na ring kinilala si Rina sa kanyang mga ambag sa sektor ng edukasyon dahil sa kanyang mga programa sa KCFI sa ilang parangal na natanggap tulad ng Forbes Asia ‘Heroes of Philanthropy’ at LaSallianeta Zeal Award for Excellence in Education Innovation.

Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.

Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE