News Releases

English | Tagalog

"My Love Will Make You Disappear" ng KimPau, kumita ng 12M sa unang araw sa sinehan

March 27, 2025 AT 12:44 PM

Patok sa takilya ang unang pagsasama nina Kim Chiu at Paulo Avelino na "My Love Will Make You Disappear." Kumita ng P12 milyon ang pelikula ng Star Cinema sa unang araw nito. 

Ang pelikula ng Kimpau ngayon ang may pinakamataas na opening-day na kita sa takilya ngayong 2025. Pinapalabas ito sa 380 na sinehan sa buong bansa, 

Trending at usap-usapan sa social media lalo na sa X ang nangyaring premiere night ng pinaka-hihintay na pelikula ng KimPau at humamig rin ng magagandang reaksyon ang nasabing pelikula.

Sa unang araw, sinorpresa nga nina Kim at Paulo ang kanilang fans sa pag-ikot nila sa block screenings at para na rin magpasalamat sa kanilang fans. 

Kinumpirma kamakailan ng Star Cinema na magkakaroon din ng 224 block screenings ang pelikula mula sa iba't ibang parte ng bansa, pati North America, Middle East, at Asia.

Umiikot ang kwento ng pelikula kay Sari (Kim), isang bukod-tanging babae na diumano ay may sumpa, na biglang nawawala ang mga lalaking minamahal niya. Makikilala niya ang heartbroken na si Jolo (Paulo), ang bagong landlord ng tinitirhan niya na Tahanan Homes. Matapos malaman ang tungkol sa sumpa ni Sari, susubukan niyang paibigin ito para takasan ang kanyang mga problema at tuluyan na siyang mawala.

Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Chad Vidanes.  Tampok din sina Kim at Paulo sa palabas sina  Melai Cantiveros, Wilma Doesnt, Lovely Abella, Benj Manalo, Nico Antonio, Migs Almendras, Martin Escudero, Karina Bautista, Jeremiah Lisbo, Atasha Franco, Kelsey Lasam, at Lucas Andalio.

Huwag palampasin ang love story nina Sari at Jolo sa “My Love Will Make You Disappear” na palabas na sa mahigit 380 na sinehan sa buong bansa. Para sa detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE