News Releases

English | Tagalog

Gab Tagadtad, naglabas ng bagong single na "First Time"

March 03, 2025 AT 10:15 AM

Binalikan ang “First Time” sa pag-ibig
 
Nagbalik-tanaw sa unang karanasan niya sa pag-ibig ang singer-songwriter-producer na si Gab Tagadtad sa bagong awitin na “First Time.”
 
Isinulat ni Gab ang awitin na nagkukuwento kung paano nagsisimula ang pag-ibig mula sa pakikipag-date, pagbibigay suporta sa oras ng problema, hanggang sa memorable first hug at kiss. Ipinapaalala rin ng latest StarPop music release na dapat pahalagahan ang bawat oras na kasama ang taong iniibig.
 
Nakilala si Gab bilang songwriter ng ilang awitin ng BGYO at ni Inigo Pascual, KZ Tandingan, at marami pang iba. Natanggap niya ang parangal bilang Songwriter of the Year sa 2017 Filipino Society of Composers, Authors, and Publishers, Inc. (FILSCAP) at 2020 Awit Awards Song of the Year bilang composer ng “Imposible” ni KZ. Siya rin ang frontman ng Manila-based pop alternative-rock band na [gab].
 
Noong 2022, inilunsad ni Gab ang debut extended play (EP) na “Bulong Ng Madaling Araw” tampok ang mga awitin na “Sakin Ka Lang Tumingin” at “Madaling Araw.” Inawit niya rin ang “Gusto Ko Lamang Sa Buhay” bilang bahagi ng “I Love You Hater” soundtrack.
 
Napapakinggan ang “First Time” ni Gab sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE