Tungkol ang English song sa pagtanggap sa uniqueness at pagiging totoo ng isang tao na isinulat ni Trisha Denise at prinodyus naman ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Ang “Nonchalant” single naman ni Chloe ay ilulunsad sa Marso 21 (Biyernes). Isang Tagalog song ito na naghihikayat na huwag magpa-apekto sa toxic na mundo. Iprinodyus din ang kanta ni Rox na siya ring sumulat nito kasama si Trisha Denise.
Nakilala si Chloe dahil sa mga natatangi niyang song covers sa social media, partikular na sa YouTube kung saan mayroon na siyang halos 500,000 subscribers at sa TikTok kung saan mahigit 1.3 million na ang kanyang followers.
Taong 2021 noong inilabas niya ang debut single na “Aking Pagmamahal” na mayroon na ngayong higit sa 1.7 million streams sa Spotify at 30 million views sa YouTube.
Abangan ang “FR FR” sa Mar. 7 at “Nonchalant” sa Mar. 21 sa iba’t ibang music streaming platforms.Para sa karagdagang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.