News Releases

English | Tagalog

Andrea, mas mapangahas sa "FPJ's Batang Quiapo"

March 05, 2025 AT 12:04 PM

Andrea embraces new path, takes on daring role in "FPJ's Batang Quiapo"

In an interview with “TV Patrol” during her first taping day, Andrea admitted to feeling nervous but she is excited about her decision to take on a new path

Mapusok na eksena kasama si Jake, nakakuha ng 3M views

Mainit na pinag-usapan sa social media ang mapangahas na karakter ni Andrea Brillantes sa bagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo,” kung saan nakakuha ng tatlong milyong views sa loob lamang ng 24 oras ang mapusok na eksenang nakasuot siya ng sexy dress habang nakikipaghalikan sa karakter ni Jake Cuenca. 

Singtindi ng aksyon sa hit Kapamilya teleserye ang tapang ni Andrea sa desisyon niyang sumabak sa isang palaban na karakter, na aniya’y malayong-malayo sa mga papel na ginampanan niya noon.

“Mas daring siya compared sa iba kong mga role. Mas level-up siya and mature. Personal decision ko na gawin ‘to. This is my first time doing something na physically intimate. This is a new path for me and alam ko naman na aalagaan ako dito sa ‘Batang Quiapo,’” sabi ng aktres sa isang “TV Patrol” interview.

Patok din sa mga manonood ang unang pasilip sa magarbong buhay ng mga yayamaning karakter nina Angel Aquino, Albert Martinez, Dante Rivero, Chanda Romero, at Celia Rodriguez. 

Na-iintriga ngayon ang netizens kung ano nga ba ang magiging papel ng mga bagong karakter sa buhay ni Tanggol (Coco Martin), lalo na’t nagsisismula na ito ng bagong buhay bilang tagapagmana ng mga kayamanan ng pamilya Montenegro.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
 
Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.