Bibida ang Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo sa Monday Drama ng Cinema One para sa selebrasyon ng Women’s Month.
Samahan ang “Hello, Love, Again” star bilang ang nagbabagong buhay na si Mia sa “Barcelona: A Love Untold” (Mar. 10), overseas worker na si Joy sa “Hello, Love, Goodbye” (Mar. 17), bride-to-be na si Gab sa “Can’t Help Falling in Love” (Mar. 24), at masipag na si George sa “The Hows of Us” (Mar. 31) na mapapanood tuwing Lunes, 9pm.
Humandang maiyak, matakot, at umibig sa mga pelikula ni Kim Chiu na tampok naman sa Blockbuster Sundays tuwing Linggo, 9pm. Saksihan ang “My Love Will Make You Disappear” star bilang umaasa sa pag-ibig na si Zyra sa “One Great Love” (Mar. 9), Chinese breadwinner na si Mayen sa “The Ghost Bride” (Mar. 16), reporter na si Donna sa “U-Turn” (Mar. 23), at nagpapanggap na bride na si Rocky sa “Bride For Rent” (Mar. 30).
Makisaya kasama ang box-office romcom actresses sa Tuesday Comedy na mapapanood tuwing Martes, 7pm. Huwag palampasin ang “Here Comes The Bride” ni Angelica Panganiban (Mar. 11), “Ang Cute ng Ina Mo” ni Anne Curtis (Mar. 18), at “Pak! Pak! My Dr. Kwak” ni Bea Alonzo (Mar. 25).
Samantala, makakasama naman ni Bianca Gonzalez sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa weekly talk show na “The B Side” ngayong Marso 14 at 28, 3pm. Ipapalabas din ang replays nito sa cable tuwing Sabado, 6pm, Linggo, 9pm, at Lunes, 10am.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.