News Releases

English | Tagalog

"Incognito" at "Sosyal Climbers" ng ABS-CBN Studios, nangunguna sa Netflix PH

March 06, 2025 AT 11:28 AM

Lubos na tinatangkilik ng viewers ang parehas na pinag-uusapan at trending na ABS-CBN Studios produced action-drama serye na "Incognito" at pelikulang "Sosyal Climbers" kaya naman hawak nila ang magkaparehas na top spot sa listahan ng Netflix Philippines.

Simula ng ipalabas ang "Incognito" noong Enero 17, labis na tinutukan ng manonood ang kwento ng Kontraks na sina Jose (Richard Gutierrez), Greg (Ian Veneracion), Miguel (Baron Geisler), Gab (Maris Racal), Tomas (Anthony Jennings), Max (Kaila Estrada), at Andres (Daniel Padilla) kaya naman nangunguna sila sa listahan ng most watched series. Naabot din nito ang all-time high viewership nito na may 997,260 peak concurrent viewers noong Pebrero 21.

Sa kasalukuyan nga ay nagtutulungan ang kontraks sa kanilang bagong misyon na sagipin at i-rescue ang hostages mula sa lider ng kulto na si Muñoz (Robert Seña). 

Kasabay ng tagumpay ng "Incognito" ay ang pag-angat din sa number one spot ng Top 10 Movies ng Netflix PH ng kauna-unahang pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN Studios at Netflix Original sa film na "Sosyal Climbers." Pinagbibidahan ito nina Maris at Anthony kasama sina Carmi Martin, Ricky Davao, Shanaia Gomez, Cheska Iñigo, at Marissa Sanchez.

Sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, ang pelikula ay umiikot sa buhay nina Ray (Anthony) at Jessa (Maris), isang magkasintahang gipit sa pera na nagkunwaring mayayaman upang makapasok at makapanloko sa alta sociedad.

Sa pamamayagpag ng "Incognito" at "Soysal Climbers," labis na pinuri ng netizens sina Maris at Anthony na parehas tampok sa palabas dahil sa galing nila sa pagportray ng kanilang roles at sa kanilang undeniable na chemistry. 

Huwag palampasin ang mga eksena ni Maris at Anthony sa kapanapanabik na mga episode ng “Incognito” gabi-gabi tuwing 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page. Maaaring mapanood ito nang mas maaga sa Netflix at iWantTFC.

Samantala, panoorin rin nakakatuwang romansa nina Maris at Anthony sa “Sosyal Climbers,” na eksklusibong mapapanood sa Netflix Philippines.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE