Migs Bustos embarks on another food adventure as he takes a victorious bite of Cebu’s famous golden lechon by former overseas Filipino worker Marvin Ryan Alao in My Puhunan: Kaya Mo! this Sunday (March 9).
Tampok din ang hatid na tulong ng “Adjustment Measures Program” ng DOLE
Ibibida ni Migs Bustos ang agaw-tinging pakulo sa lechonan ni Marvin Ryan Alao tampok ang kanyang katakam-takam na “golden lechon” ngayong Lingo (March 9) sa “My Puhunan: Kaya Mo!”
Humarap man noon sa hamon ng pandemya, ibabahagi ni Marvin kung paano niya itinayo at unti-unting napalago sa maikling panahon ang kanyang negosyong lechonan sa Cebu mula sa dati niyang espesyal na lechon de negra.
Samantala, samahan si Karen Davila na alamin ang hatid na tulong sa mga kapuhunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang “ Adjustment Measures Program.”
Layunin ng programa ng ahensya na masiguro na magtuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng negosyo ng mga kapuhunan sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na maaaring kaharapin.
Huwag palampasin ang mga kuwento ng tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama sina Karen Davila at Migs Bustos ngayong Linggo (November 10), 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.