Tampok ang 5 kanta na isinulat niya
Ganap nang recording artist ang “The Voice Teens Philippines” season 2 grand champion na si Heart Salvador matapos ilunsad ang
self-titled mini album sa ilalim ng StarPop.
Umiikot ang extended play (EP) sa iba’t ibang sitwasyon ng pag-ibig, pangungulila, at pagbabago sa sarili. Ilan sa mga awitin nito ay “Addicted,” “Ain’t Fair,” “Sensya Na,” “Endless Vow,” at “Babalik Pa Ba?” na isinulat ni Heart at iprinodyus ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
Tungkol naman ang key track na “Sensya Na” sa pagtatapos ng isang relasyon at ang pagbabalik-tanaw sa masaya at mapait na alaala nito.
Nakilala si Heart nang sumali siya sa “The Voice Kids PH” season 3 kung saan siya ay naging semi-finalist. Bumalik uli siya sa entablado para sa ikalawang season ng “The Voice Teens PH” at naiuwi ang titulo bilang grand champion sa tulong ng mentor na si Bamboo.
Available ang self-titled debut EP ni Heart na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.