"Saving Grace" star Jennica Garcia shares a heartfelt mani-pedi bonding session with Bernadette Sembrano as she opens up about her journey through motherhood and her return to the entertainment industry after years of being a full-time mom this Sunday (March 9) on “Tao Po.”
Tampok din ang kwento ng dream house ng isang LGBTQ+ couple, registered gecko breeder, at impluwensya ng social media personalities sa paparating na eleksyon
Isang masayang kikay bonding at beauty break ang matutunghayan ngayong Linggo (March 9) sa “Tao Po” kasama si Bernadette Sembrano at “Saving Grace” star Jennica Garcia para sa isang kwentuhan tungkol sa kanyang buhay bilang ina at pagbabalik sa showbiz.
Kabaligtaran ng kanyang karakter na si Sarah Banaag sa “Saving Grace” na isang pabayang ina, ibinahagi ni Jennica kay Bernadette ang kanyang mga sakripisyo bilang isang mapagmahal na ina matapos magpahinga sa mundo ng showbiz ng pitong taon para maging full-time mom sa kanyang dalawang anak.
Hindi man pinalad sa buhay pag-ibig matapos ang hiwalayan nila ng kanyang asawa noong 2014, ibinahagi ni Jennica kung paano siya nakabangon sa sitwasyong kinalagyan at kung paano napagsabay-sabay ang iba’t ibang raket na pinasok at responsibilidad bilang ina.
Samantala, bibisitahin naman ni Kaxandra Salonga ang dream house sa Cavite ng LGBTQ+ couple at content creators na sina David and Rye na kilalang “HubbyBees” sa social media.
Aalamin naman ni Kabayan Noli de Castro ang kung paano muling nakabangon ang registered gecko breeder mula Tondo, Manila na si Meyrick Guan mula sa muntikang pagkaubos ng kanyang mga alagang tuko matapos atakihin ng mga peste.
Bubusisiin naman ni Victoria Tulad kung magkano nga ba ang sinasahod ng mga kilalang personalidad sa social media na kinukuha ng mga politiko at ipaliliwanag kung paano nga ba nila maaaring maapektuhan ang kapalaran ng mga tumatakbo sa paparating na eleksyon.
Abangan ang mga kuwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa "Tao Po" ngayong Linggo, 6:15 p.m. to 7:15 p.m. sa ABS-CBN News’s Facebook at YouTube Channel, at iWantTFC.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.