News Releases

English | Tagalog

BAN, handa nang "Magparaya" para sa pag-ibig

April 10, 2025 AT 10:42 AM

Buong loob na susubok muling magmahal sa kanyang debut single

Handa na muling umibig ang bagong Kapamilya artist na si Brandon Yulo Baculo o BAN sa kanyang debut single na “Magparaya.”

Mixed emotions ang nararamdaman niya sa pagsisimula ng kanyang journey bilang recording artist sa ilalim ng Old School Records label ng ABS-CBN Music.

“Nakakakaba and nakaka-excite at the same time but always hoping for the positive. Sana the listeners would appreciate the music that I’ll put out,” aniya.

Nagsimula ang 22-anyos na singer bilang modelo para sa iba’t ibang campaign brands at music videos. Ilan sa itinuturing niyang musical influences sina Arthur Nery at Zack Tabudlo.

Tampok sa kanyang alternative pop song na “Magparaya” ang bagong pagkakataon sa pag-ibig matapos ang mapait na karanasan. Isinulat ito ni Gab Tagadtad at iprinodyus ni Kiko “Kikx” Salazar.

“It’s about someone na may trauma sa past relationship kaya nag-decide siya na self-love muna. But, then someone new came along to the point na hindi na niya kayang pigilan pa and gusto na niya bigyan ulit ng chance ang sarili na ma-fall ulit,” saad ni BAN.

Napapakinggan na ang “Magparaya” sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Old School Records sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE