News Releases

English | Tagalog

Emilio Daez, bibida sa iWant Original series na “Love at First Spike”

April 10, 2025 AT 04:36 PM

iWant Originals serves up new coming-of-age sports dramedy “Love at First Spike”

iWant Originals brings an exciting new serve to its lineup with its first original series this year, “Love at First Spike,” a coming-of-age sports romantic dramedy that explores one’s identity, second chances, and friendship set against the vibrant world of high school volleyball.

Tampok ang Gen Z high school life at kwentong LGBTQIA+ sa larangan ng sports

Bibida sa kauna-unahang iWant Original series ngayong 2025 na “Love at First Spike” ang Kapamilya star na si Emilio Daez na gaganap sa kanyang unang major lead role bilang isang volleyball varsity scholar na haharap sa iba’t ibang laban sa loob at labas ng court.
 
Matapos maipakilala ni Emilio bilang kasalukuyang housemate sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition,” ibang bersyon ng Emilio ang makikita sa series sa kanyang pagganap bilang Uno, isang basketball varsity captain na nasuspinde matapos masangkot sa isang insidente sa isang match. Para maisalba ang scholarship, napilitan siyang pasukin ang mundo ng volleyball sa kanilang paaralan na karamihang binubuo ng LGBTQIA+ members.
 
Sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal na direktor ng ilang coming-of-age at may temang LGBTQIA+ movies at series tulad ng “The Panti Sister” at “Gameboys,” tampok sa bagong serye ang ilang mahahalagang yugto ng Gen Z high school life tulad ng unang heartbreak at pagkilala sa sarili, habang tinatalakay ang ilang sensitibong usapin tulad ng stereotypes sa kasarian sa larangan ng sports at mga dinaranas ng student-athletes.
 
Tampok din sa series sina Kapamilya star Sean Tristan bilang Jared, ang captain ng volleyball team at dating matalik na kaibigan ni Uno na may matinding hinanakit mula sa kanilang nakaraan, at “Pinoy Big Brother: Otso” ex-housemate Reign Parani bilang Farrah, ang star player ng girs’ volleyball team na may lihim na pagtingin para kay Uno.
 
Ibinahagi naman ni Emilio kung gaano siya kasaya sa kanyang unang lead role at kung gaano nila pinaghandaan ang proyekto. Aniya, "Sobrang pinaghihirapan po namin na galingan 'yung volleyball scenes. Talagang pinaghahandaan 'yong seryeng 'to. We really did our best, that's what I can promise. We're really giving our 110%, sana magustuhan niyo po talaga ito."
 
Makakasama rin sa all-star lineup ng series sina ““Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” housemate River Joseph, “Pinoy Big Brother Gen 11” ex-housemates, Dylan Yturalde, Rain Celmar at Binsoy Namoca, “Pinoy Big Brother: Otso” ex-housemate Sky Quizon, at iba pang Kapamilya stars Jude Hinumdum, Lance Reblando, Bong Gonzales, Andi Abaya, Adrian Alandy, at Meryll Soriano na handang mag-serve, set, at spike ng samu’t saring emosyon sa kwento ng bagong series.
 
Abangan ang “Love at First Spike” na eksklusibong mapapanood sa bagong iWantTFC ngayong Hunyo. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. 
 
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube. 
 
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE