News Releases

English | Tagalog

Darren, inawit ang bagong eviction night theme song ng "PBB" na "Paalam Muna Sandali"

April 11, 2025 AT 01:13 PM

Kasunod ng “PBB” theme song na binigyang-buhay nila ni Julie Anne

Ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren Espanto ang boses sa likod ng bagong eviction night theme song ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” na “Paalam Muna Sandali” na available na ngayon sa music streaming platforms.

Unang narinig ang emotional ballad sa first eviction night ng “PBB.”

Sinundan nito ang collab ni Darren sa Kapuso singer na si Julie Anne San Jose para sa bagong bersyon ng “PBB” theme song na “Sikat Ang Pinoy.”

Ang “Paalam Muna Sandali” ay mula sa komposisyon at produksyon ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo. Magiging bahagi ito ng nalalapit na album ni Darren na ilalabas sa ilalim ng Star Music.

Noong nakaraang taon, pinuno ng Kapamilya singer ang Araneta Coliseum para sa kanyang 10th anniversary concert na “D10.” Naglabas din siya ng ilang awitin tulad ng “Bibitaw Na,” “Iyo,” “Hanggang Kailan,” at “Miss.” Kasalukuyang napapanood sa Darren sa “It’s Showtime” at “ASAP.”

Napapakinggan na ang “Paalam Muna Sandali” ni Darren sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE